Profile
Counter

May 12, 2007

PANAHON NG TAG-INIT SA JAPAN

malapit na naman ang tag-init dito sa japan. karamihan sa mga hapon mga nago-outing . halimbawa tulad ng barbecue kalimitan sa kanila magpa-pamilya. kumakain sila sa malapit sa tabing-ilog o lawa. dun nila inuubos ang oras nila hanggang sa sumapit ang gabi.masarap ang tag-init dito sa japan kasi kahit saan pwede kang mamasyal.marami kasing pamasyalan dito na magaganda may kalayuan nga lang kaso talagang sulit naman iyong pagpasyal mo. tulad ko isa sa pinaka paborito kong panahon dito sa japan ay tag-init kasi mafe-feel ko na para na rin akong nasa pilipinas kaibahan nga hindi ko kasama ang mga kamag-anak ko ka pamilya.pero masaya narin kasi kasama ko naman dito sa japan ang aking munting anghel.marami kaming pwedeng pasyalan dito tuwing tag-init.ibat-ibang magagandang lugar at tanawin ang pwede naming pasyalan dito sa japan.siguro sa mga iba pang araw marami pa akong mapupuntahan
at marami pa akong dapat alamin at pag-aralan.kaya yung iba ko pang mga kwento dapat abangan nyo wag ninyong palagpasin kasi mas nakakatuwa at nakaka-excite ang mga susunod kong kwento .

yurika126 at 22:47|この記事のURLComments(1)TrackBack(0)Diary 

May 10, 2007

Kasaysayan ko sa Japan

sa araw na ito nais ko uling maglahad ng aking kwento.
gusto kong i share sa inyo yung mga natutunan ko dito
sa japan.noong una medyo nahirapan ako kasi siyempre
wala pa akong masyadong alam kung paano ba mamuhay o
manirahan dito sa japan lalo na wala akong kamag-anak
dito meron man malayo siya at sa telepono lang kami nag-
kakausap,at madalang din kaming magkita.
nakakatuwa na nakakalungkot palang manirahan dito sa japan.


uunahin ko na iyong lungkot para sa bandang huli masaya
naman iyong iyong i share ko sa inyo.ang lungkot lang
naman ng paninirahan dito sa japan ay iyong maalala mo
iyong pamilya mo sa pilipinas. dumarating iyong time
na gusto ko silang makasama at makita.pangalawa iyong
wala kang alam-alam tungkol sa mga bagay dito sa japan.


hindi man lahat ng bagay alam mo dapat kahit papano
may konting alam ka kasi kapag wala kang kaalam-alam
hindi ka puwedeng manirahan dito sa japan.dapat pag-
aralan mo iyong mga bagay na dapat pag-aralan.kapag
natutunan na nating lahat iyon kahit papano mababawa
san na iyong lungkot na dumarating sa atin.


iyong nakakatuwa namang buhay ko dito sa japan ay iyong
kasama ko iyong pamilya ko araw-araw .lalong -lalo na
iyong natutunan ko na mga bagay dito sa japan tulad na
lang ng pagluluto kasi dati hindi talaga ako marunong
magluto.pero sa ngayon marami na akong natutunan na
ibat-ibang klase ng luto na pagkain ng hapon at pilipino.


siguro sanayan lang talaga sa una mahirap pero sa bandang
huli masaya na.natutunan ko na rin iyong mga ibat-ibang
lifestyle ng buhay dito sa japan hindi man lahat.
nakakatuwa talaga kasi iisipin mo na kayo ko palang matuto
kahit na hindi ka nakapag-aral dito sa japan.kapag natutunan
ko pa iyong mga hindi ko pa alam na salitang hapon at iba
pang bagay siguro perfect na ako.....joke lang.




masaya rin ako ngayon kasi nakita ko kanina iyong bulaklak
na regalo sa aming mag-asawa noong kamiy ikinasal.ganun na
pala kalago iyong bulakak na regalo sa amin.gustong-gusto
kasing hawakan ng baby ko iyong bulaklak na regalo sa amin
noong kamiy ikinasal.meron kasing ibig sabihin aming mga
pilipino na kapag ang bulaklak na regalo sa iyo ay nabuhay
ibig sabihin mahaba ang pagsasama ninyong mag-asawa.


natuwa talaga ako kasi siguro kami na talagang mag-asawa
habang buhay kasama ang munti naming anghel.hanggang dito na
muna uli iyong kwento hanggang sa susunod na mga araw uli.
yurika126 at 01:34|この記事のURLComments(0)TrackBack(0)Diary 

April 29, 2006

pangalawa kong kwento sa inyo

tulad ng una kong kwento, hindi lang ako ang nakakaramdam
ng stress sa buhay kundi ang kapwa ko mga pilipina na
naninirahan dito sa japan.

marami kaming mga gustong gawin na hindi namin nagagawa.
tulad ng mga bagay na meron sa pilipinas na wala dito
sa japan .kadalasan sa aming mga pilipina na naninirahan
dito trabaho at bahay lang.

isa pang stress sa buhay namin , yung time na kapag
nakatanggap kami ng problema galing sa pilipinas,
kalimitan sa aming mga pilipina na naninirahan dito
ang tulungan ang pamilyang naiwanan sa pilipinas.

pero iba na ang buhay namin kapag dito na nakatira
lalo na kapag may asawa na,hindi kami pwedeng tumulong
habang buhay kasi may sarili na rin kaming pamilya.

mahirap din kasing manirahan dito lalo na kung wala
kang sapat na pera halos lahat mahal ang gastusin.
buti na lang nagtutulungan kaming mag-asawa sa lahat
bagay.mahirap man pero sa una lang darating din yung
time na makaraos din.

kailangan siyempre nandiyan palagi sa tabi mo ang
asawa mo para suportahan ka rin.palagi dapat kayong
mag-usap .isa pa bago tayo gumawa ng isang bagay o
desisyon kailangan alam ng ating asawa para may
tiwala sa isat-isa.

sa ngayon masaya ako sa buhay ko,kahit na may konting
stress kasi kasama ko sa buhay asawa ko,lalo na
ngayong may anak na kaming isa.

araw-araw kong ginagawa bahay at trabaho lang kasama
na rin ang pag-aalaga sa anak ko.masaya na ako nun kasi
makita ko lang asawat anak ko sa bahay masaya na ako.

kadalasan ganito lang ang buhay ng mga pilipina dito sa
japan.minsan lang makapamasyal masaya na kahit papano
nakakabawas ng stress.
yurika126 at 03:12|この記事のURLComments(9)TrackBack(0)Diary 

April 19, 2006

buhay ng pilipina sa japan

nais kong ibahagi sa inyo ang aking kwento.sana ay magustuhan
nyo at maging bahagi ako sa inyong alaala.

isa akong pilipina na naninirahan ngayon dito sa japan.
marami akong natutunan mula ng manirahan ako dito.

minsang masaya minsang malungkot kasi siyempre kahit na
dito kami naninirahan nandito pa rin sa pusot isipan namin

ang aming bayang pinagmulan.kapag pala dito ka nanirahan
kailangan mong maging matatag sa lahat ng bagay lalo na
kung wala kang kamag-anak.

kasama na dyan stress sa buhay kasi araw-araw ganut-
ganun din ang ginagawa mo. kahit papano kailangan mong

mag-enjoy sa buhay.noong una boring ako pero ng mag-tra
baho na ako medyo masaya na ng konti kasi kahit papano
kasama ko ang kapwa ko pilipina.medyo nabawasan na ang
stress ko sa buhay.
yurika126 at 06:34|この記事のURLComments(0)TrackBack(0)Diary